Para sa Mini Grocery

Inventory at POS System para sa Mini Grocery

Bantayan ang stock, presyo, at benta ng mini grocery mo sa iisang lugar. Alamin agad kung ano ang paubos na at kung ano ang pinakamabenta.

  • check_circle 14 araw libre
  • check_circle ₱99 kada buwan
  • check_circle Walang i-install
SARISARI dashboard para sa mini grocery: benta ngayong araw, mga transaction, at low stock alert

Mas maraming paninda, mas mahirap bantayan

Habang lumalaki ang tindahan, lumalaki rin ang kailangang tandaan.

inventory_2

Hindi tugma ang stock

Iba ang nasa listahan sa talagang nasa estante, at walang malinaw na record kung bakit.

trending_down

Hindi alam kung saan kumikita

Mahirap makita kung aling produkto ang mabilis maubos at alin ang natutulog sa estante.

schedule

Ubos-oras ang manual na listahan

Oras ang nauubos sa pagsusulat at pagkukwenta na dapat sana ay para sa customer.

Features

Inventory at benta, magkasama na

Bawat benta ay kusang bumabawas sa stock.

category

Mga produkto ayon sa kategorya

Ayusin ang paninda ayon sa kategorya, may sariling barcode, SKU, puhunan, at presyo ang bawat isa.

notification_important

Low-stock at out-of-stock alert

Itakda ang minimum na bilang ng bawat produkto. Lalabas ito sa alert kapag paubos na.

swap_vert

Dagdag at bawas ng stock

Mag-restock o mag-adjust ng bilang at ilagay ang dahilan, para may record ang bawat galaw.

qr_code_scanner

Mabilis na checkout

I-scan ang barcode gamit ang camera at tanggapin ang bayad sa cash, GCash, o Maya.

analytics

Reports ng benta at produkto

Tingnan ang benta kada araw, ang pinakamabentang produkto, at ang halaga ng stock mo.

people

Listahan ng customer at suki

I-save ang mga regular na customer at tingnan ang mga binili at utang nila.

Paano lumipat mula sa manual na listahan

  1. 1

    Gumawa ng libreng account

    Mag-register at subukan nang libre sa loob ng 14 araw.

  2. 2

    I-encode ang paninda

    Ilagay ang pangalan, presyo, puhunan, at bilang ng bawat produkto. Pwedeng i-scan ang barcode para mas mabilis.

  3. 3

    Gamitin sa bawat benta

    Sa bawat checkout, kusang nababawasan ang stock at nadadagdagan ang report mo.

Mga Madalas na Tanong

Para lang ba ito sa sari-sari store?expand_more

Hindi. Ginagamit din ang SARISARI ng mini grocery at convenience store. Sa pag-register, pwede mong piliin ang uri ng tindahan mo.

Paano ko malalaman kung paubos na ang isang produkto?expand_more

Itakda ang minimum stock ng produkto. Kapag umabot doon ang bilang, lalabas ito sa Low Stock Alert sa dashboard at sa Inventory.

May report ba kung magkano ang kinita ko?expand_more

Oo. May Reports para sa benta, produkto, customer, at utang, at makikita mo ang benta at bilang ng transaction kada araw.

Pwede bang gamitin ng bantay o cashier ko?expand_more

Isang account kada tindahan. Pwedeng gamitin ng bantay mo ang device na naka-login sa account mo.

Magkano ang bayad?expand_more

₱99 kada buwan at kasama na ang inventory, POS, utang, at reports. May 14 araw na libreng trial.

Ayusin ang inventory ng mini grocery mo

₱99 lang kada buwan, mga ₱3 kada araw. May kasamang 14 araw na libreng trial.

Gumawa ng Libreng Account arrow_forward