Gabay para sa Store Owners

Paano Mag-Manage ng Sari-Sari Store: 7 Praktikal na Tips

Maliit man ang tindahan, negosyo pa rin ito. Narito ang pitong gawi na makakatulong para malaman mo kung kumikita ka talaga at para lumago pa ang tindahan mo.

  • check_circle 14 araw libre
  • check_circle ₱99 kada buwan
  • check_circle Walang i-install
Dashboard ng SARISARI na nagpapakita ng benta, mga produkto, at pautang ng isang sari-sari store

1. Ihiwalay ang pera ng tindahan sa pera ng bahay

Ito ang pinakakaraniwang dahilan kung bakit hindi alam ng may-ari kung kumikita siya. Kapag kumukuha ng pambili ng ulam mula sa kahon ng tindahan, nahahalo ang puhunan at ang tubo.

Maglaan ng hiwalay na lalagyan para sa benta. Kung kailangan mong kumuha, ilista ito bilang sweldo o gastos para alam mo kung saan napunta.

2. Ilista ang bawat benta

Hindi sapat ang pagbilang ng pera sa gabi. Kailangan mong malaman kung ano ang nabenta, hindi lang kung magkano.

Pwede itong gawin sa notebook, pero mas mabilis at mas tumpak kung may POS sa phone na naglilista ng bawat transaction habang nagbebenta ka.

3. Bantayan ang stock bago pa maubos

Ang customer na walang nabili ay pupunta sa kabilang tindahan, at baka doon na siya bumili sa susunod.

Magtakda ng minimum na bilang para sa mabentang produkto, at mag-restock kapag umabot na doon. Ganito gumagana ang low-stock alert ng isang inventory system.

4. Magkaroon ng malinaw na patakaran sa utang

Bahagi na ng sari-sari store ang pautang, pero ito rin ang madalas na dahilan ng pagkalugi.

Magtakda ng limit kada customer, ng araw ng singilan, at ilista ang bawat utang at bayad. Mas madaling maningil kapag malinaw ang record. Makakatulong dito ang isang utang tracker.

5. Alamin kung alin ang mabenta at alin ang hindi

Hindi lahat ng paninda ay pantay ang ambag sa kita. May mga produktong araw-araw nauubos, at may mga natutulog sa estante nang ilang buwan.

Dagdagan ang puhunan sa mabenta, at bawasan o itigil ang pag-order ng hindi gumagalaw. Nakatali sa mga iyon ang perang pwede sanang umiikot.

6. Kwentahin ang tubo sa bawat produkto

Alamin ang puhunan at ang presyo ng bawat paninda. Ang pagitan ng dalawa ang tubo mo, bago pa ibawas ang kuryente, plastik, at pamasahe sa pamimili.

Kapag tumaas ang presyo sa supplier, i-update agad ang presyo mo. Madalas na nalulugi ang tindahan dahil lumang presyo pa rin ang sinisingil.

7. Gumamit ng sistema, kahit simple lang

Hindi kailangang mamahalin o komplikado. Ang mahalaga ay may iisang lugar kung saan nakalista ang benta, stock, at utang, at ginagamit mo ito araw-araw.

Ginawa ang SARISARI para dito: POS, inventory, utang, at reports sa phone mo sa halagang ₱99 kada buwan, na may 14 araw na libreng trial.

Mga Madalas na Tanong

Magkano ang puhunan para sa sari-sari store?expand_more

Depende ito sa laki at sa dami ng paninda. Mas mahalaga kaysa sa laki ng puhunan ang malaman kung saan ito napupunta, kaya ilista ang bawat benta at gastos mula sa unang araw.

Paano ko malalaman kung kumikita ang tindahan ko?expand_more

Ihiwalay ang pera ng tindahan, ilista ang benta at ang puhunan ng bawat produkto, at ibawas ang mga gastos. Ang matitira ang totoong kita mo.

Dapat ba akong magpautang?expand_more

Nasa iyo iyon, pero kung magpapautang ka, magtakda ng limit at araw ng singilan, at ilista ang bawat utang at bayad.

Kailangan ko ba ng computer para gumamit ng POS?expand_more

Hindi. Gumagana ang SARISARI sa phone, at ang camera nito ang ginagamit na barcode scanner.

Simulan ang sistema ng tindahan mo ngayon

₱99 lang kada buwan, mga ₱3 kada araw. May kasamang 14 araw na libreng trial.

Gumawa ng Libreng Account arrow_forward